BLOGGER TEMPLATES AND TWITTER BACKGROUNDS

Wednesday, April 14, 2010

Ang Pagtatapos; simula ng pagtahak sa bagong landas




Nang kami ay nagsipagtapos ay nasa munting tanghalan, at kasama ang aming mga magulang, kamag-anak, kababayan at mga guro sa paaralan, ay naramdaman ko ang tunay na kaligayahan at pagpupuri sa sarili. Ang hirap na aming tiniis upang mkamit iyon ay parang bulang napawi sa nag-uumapaw na kasiyahan sa aming puso. Nang hapong yaon ay kaming nagsisipagtapos ang paksa ng salitaan, hantungan ng maliligayang pagbati, at siya ring pinag-ukulan ng pinakamakulay na pangarap. Ang aming mga matang may kislap ng pag-asa at kaligayahang bunga ng pagkatapos sa dalawang taong pagsisikap ay aming naramdaman. Ngunit batid kong sa mga sandaling yaon ay may mga katanungang naglalaro sa aking guni-guni, kung makakakuha ba kaagad ng trabaho at ano ang klaseng pamumuhay ang tatahakin kinabukasan.



Ang hapong yaon ng pagtatapos ay tanging para sa amin, dahil sa mga pagbating aming tinanggap, ang mga papuri ng panauhing pandangal, at ang masigabong palakpakan ng mga manonood nang tinanggap na namin ang mga diploma ay nanunuot sa aming mga puso ang sayang naramdaman - nalalaman naming kami'y karapat-dapat. Ang dalawang taon na aming inilagi sa institusyon ay tiyak na makararamdam ng kabigatan ng loob sa napipintong paglisan. Hahanap-hanapin ang dating mga mukhang naging malapit sa damdamin pagkatapos ng pag-aaral at mga magiliw at bukas-loob na pakikisama ng mga kaklase, lalo na kapag mayroon kang naging matalik na kaibigan. Ito'y aking natitiyak, sapagkat siya kong naramdaman ta nararamdaman hanggang ngayon. Ang mga aral na natutunan ay mananatiling nasa isip at mas lalong pagyamaning lagi, kasabay ng alaala ng lumipas na panahon sa pag-aaral at ang pakikipagsamahang nalasap. Ang pagtatapos sa kolehiyo ay totohanang pag-aaral sa buhay, dito nakasalalay ang kinabukasan na maaring walang kasinligaya at kasinsaya kapag ating naabot.

0 comments: